Pagkapanalo ni Awra sa YFSF Kids inireklamo

awra briguela
DESERVING naman ang child star na si Awra o McNeal Briguera sa tunay na buhay na maging grand winner sa kauna-unahang Your Face Sounds Familiar Kids.

Pinahanga ng batang aktor ang lahat sa live performance niya bilang si Nicki Minaj sa grand finals ng Your Face Sounds Familiar Kids kaya naman hindi na kami nagtaka kung siya ang tinanghal na champion.

Pero bakit marami kaming nababasang hindi raw siya ang dapat na manalo kundi isa kina Sham Soaf, AC Bonifacio at Elha Nympha?

Naririnig naming kuwento ng ilang nakapanood sa finals night ay sina Elha, Sam at AC ang may matataas na scores simula raw nu’ng nagsimula ang YFSFK kaya kataka-taka kung bakit naungusan daw silang bigla ni Awra.

E, teka, hindi ba’t ang score na ng mga kids sa final performance nila ang pagbabasehan hindi na ang mga nakaraan nilang grado?

At text votes ang labanan. Hindi ba naisip ng mga nagrereklamo na mas maraming fans si Awra kumpara sa mga binabanggit na pangalan dahil sigurado kami, ang mga supporters ng programang FPJ’s Ang Probinyano ay bumoto rin sa batang aktor, isama pa ang cast members ng programa na talagang nangampanya pa para kay Awra.

Hindi rin ba naisip ng mga nagrereklamo na baka sinuportahan din ni Vice Ganda ang kanyang anak-anakan kasama na ang napakarami nitong fans?

Doon pa lang ay siguradong malaki na ang lamang ni Awra, plus the fact na tuwang-tuwa rin sa kanya ang tatlong huradong sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Sharon Cuneta kaya binigyan siya ng mataas na scores.

Sabi nga, save the best for last. At ‘yan nga ang ginawa ni Awra Briguela sa huling pakikipaglaban sa YFSF Kids.

Read more...