Erap idineklara nang holiday sa Maynila sa Holy Wednesday

erap estrada

IDINEKLARA ni Manila Mayor Joseph Estrada na non-working holiday na sa Maynila sa Holy Wednesday, Abril 12 para sa mga empleyado ng lungsod.

“Honorable Mayor Joseph Ejercito Estrada has declared 12 April 2017, Holy Wednesday, as a non-working day in the City Government of Manila,” sabi ni City Administrator Ericson Alcovendaz, sa isang memorandum.
Idinagdag ni Estrada na kinakailangan ng karagdagang holiday ng mga empleyado ng gobyerno para makapaghanda para sa kani-kanilang lakad ngayong Mahal Na Araw.
Kapwa regular holiday ang Maundy Thursday, Abril 13, at Good Friday, Abril 14, samantalang idineklara naman ang Black Saturday, Abril 15, bilang isang special nonworking holiday.

Read more...