IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang apela ni US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court Brancj 74 matapos siyang mapatunayang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Nauna nang sinintensiyahan si Pemberton ng hanggang 10 taong pagkakabilanggo sa kasong homicide.
Inatasan siyang magbayad ng P4.3 milyong para sa loss of earning capacity, P30,000 para sa exemplary damages, tig-P50,000 para sa civil indemnity at moral damages.
Ibinasura na ng korte ang motion for reconsideration ni Pemberton, dahilan para iakyat niya ito sa CA.
“Here, Pemberton did not suffer any injury when he allowed Laude to perform oral sex on him,” sabi ng CA sa 48 pahinang desisyon nito na isinulat ni Associate Justice Marlene B. Gonzales-Sison.
MOST READ
LATEST STORIES