Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Northern Samar kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang lindol ay magdudulot ng mga aftershock. Naramdaman ang lindol alas-8:43 ng umaga. Ang sentro nito ay natunton 74 kilometro sa silangan ng bayan ng Palapag. May lalim itong 17 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Palapag. Intensity II naman sa Catarman, Northern Samar; Cabid-an at Juban sa Sorsogon; at Panganiban sa Catanduanes. Intensity I naman sa Tacloban City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.