Walang bola ng lotto mula Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang operator ng Lotto, sa Lunes na muli magkakaroon ng bola.
Sinabi ni PCSO general manager Alexander Balutan na sinuspendi nila ang operasyon bilang pagbibigay galang sa okasyon ng Mahal na Araw na isa sa pinakamahalagang araw ng mga Filipino.
“(The suspension will) provide the respect proper to the solemnity of the occasion and to give lotto agents and PCSO employees the time off to conduct their own Holy Week observances,” ani Balutan sa isang pahayag.
Nagpasalamat din ni Balutan sa mga tumatangkilik sa lotto na pinanggagalingan ng pondo na ipinantutulong nito sa mga mahihirap na pasyente.
MOST READ
LATEST STORIES