DINUKOT ng tinatayang 50 armadong mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan ng barangay ng Magpet, North Cotabato kaninang umaga, ayon sa pulisya.
Kinilala ni Supt. Romeo Galgo Jr. , spokesperson ng provincial police command, ang biktima na si Michael Lingaro, barangay chairman ng Mahungcog, Magpet.
Sinabi ni Galgo na dumating ang mga rebelde sa barangay ganap na alas-9 ng umaga at inutusan ang mga lalaking residente na lumabas ng kani-kanilang mga bahay.
Nang makilala si Lingaro, umalis ang mga rebelde kasama ang biktima.
MOST READ
LATEST STORIES