Hiniling ng kapwa akusado sa kasong plunder ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa Sandiganbayan na utusan ang prosekusyon na tukuyin ang dokumento na kanilang pinagbatayan sa hiling na magpalabas ng warrant of arrest.
Ayon sa kampo ng negosyanteng si Jaime Dichaves dapat linawin ng prosekusyon kung alin sa 30,000 pahinang dokumento na isinumite nito sa korte ang naging batayan ng mosyon nito.
“While the Constitution and the Rules of Criminal Procedure do not provide for the participation of the accused in this process, it is hardly disputable that, consistent with the right of the accused to due process and his right to be heard by himself and counsel, he has the right to know on what basis the prosecution seeks to have the court issue a warrant of arrest against him and on the basis of which the court will make its determination of probable cause,” saad ng mosyon.
May 16 na taon ng nakabinbin ang kaso ni Dichaves na inakusahan na kasabwat ni Estrada na napatunayang guilty ng Sandiganbayan noong 2007. Si Dichaves ay nakatanggap umano ng P189.7 milyong komisyon mula sa P1.847 bilyong investment ng Social Security System at Government Service Insurance System sa Belle Corp.
Umalis si Dichaves sa bansa ilang buwan bago naisampa ang kaso laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.
Lumabas si Dichaves noong 2010 at ipinabalik ang kaso sa Ombudsman para sa preliminary investigation. Muli namang inihain ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan noong Abril 2013.
Iniakyat ni Dichaves ang kaso sa Korte Supreme na nagpalabas ng Temporary Restraining Order noong Hulyo 2013.
Noong Disyembre 2016, kinatigan ng Sandiganbayan ang Ombudsman at ipinag-utos sa Sandiganbayan na ipagpatuloy ang pagdinig ng kaso.
Nais ng Ombudsman na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Dichaves.
MOST READ
LATEST STORIES