NAMATAY ang isang opisyal ng pulis na rumesponde sa isang hostage-taking matapos barilin ng hostage taker sa isang bahay sa Del Pilar, Rizal Nueva Ecija kagabi.
Bumibisita si PO3 Hernando Largo, 47, na nakatalaga sa Rizal police station, sa kanyang kaibigan nang makarinig ng mga putok ng baril at sumugod sa isang bahay kung saan hawak ng suspek na si Roel Jacob ang mga kamag-anak ng kanyang misis habang tinutukan ng baril.
Tinangka ni Largo na pumasok sa likurang pintuan ng bahay ng 67-anyos na biyuda na si Dely Fabros, ngunit binaril siya ni Jacob ganap na alas-8:30 ng gabi.
Nagawang makatakas ni Jacob, 37, isang driver ng trak.
Pinaghahanap na ang suspek.
Dead on arrival si Largo sa isang lokal na ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.