6/42 jackpot nakuha sa Zambales

    lotto for site
Isang mananaya sa Zambales ang nanalo ng P15.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Olongapo City.
    Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 16-05-15-08-04-20. Umabot sa P14.7 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P12,490 ang 59 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
    Tig-P220 naman ang 2,674 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 32,034 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
    Samantala, wala namang nanalo sa P110.3 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55. Inaasahang aabot sa P115 milyon ang jackpot sa Lunes ng gabi.

Read more...