Sylvia nakilala na ang espesyal na babae sa buhay ni Arjo: Gusto ko siya!

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

“Pakialam ko sa love life ng anak ko!” Ito ang natatawang sabi ni Sylvia Sanchez nang tanungin tungkol sa napapabalitang girlfriend daw ni Arjo Atayde na member ng grupong GirlTrends sa It’s Showtime.

Sa thanksgiving at finale presscon ng The Greatest Love, kinumusta ng ilang reporter kung ano ang reaksiyon niya sa lihim daw na relasyon ni Arjo sa GirlTrends member.

“Si GirlTrends? Gusto ko siya, mabait siya, respectful siyang bata. Hindi nga sinasabi ng anak ko, ‘di ba? Tapos ako magkukuwento? Kay Arjo yun, siya na lang ang magpapakilala sa inyo hindi ako,” hirit ng award-winning actress.

“Tsaka ang lagi kong sinasabi hangga’t maaari ayokong makialam sa lovelife ng anak ko. Sila yun. Palagi ko lang sinasabi sa kanila dapat harapan nila ako ng respectful na magiging partner nila,” sey pa ni Sylvia.

Dugtong pa ni Mama Gloria ng The Greatest Love, “Si Arjo secretive siya pagdating sa personal na buhay, e. Ayaw niyang i-drag yung personal life. Lagi niyang sinasabi na, ‘Akin yun e.'”

Tungkol naman sa panunukso kina Arjo at Erich Gonzales dahil sa magandang chemistry nila sa isang episode ng Ipaglaban Mo, sey ni Ibyang, “Wala yun. Ayaw ko makialam diyan. Guest lang sila sa Ipaglaban Mo, Wala.”

Tatlong linggo na lang sa Kapamilya Gold ang The Greatest Love at tila may pagbabanta pa si Ibyang sa mas matitindi pang eksena sa kanilang serye. Aniya, “Basta humanda kayo!” Yun na!

Read more...