La Salle, Ateneo agawan sa No. 1 spot | Bandera

La Salle, Ateneo agawan sa No. 1 spot

Angelito Oredo - April 08, 2017 - 12:10 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 a.m. NU vs Ateneo (men)
10 a.m. FEU vs UST (men)
12 n.n. UST vs NU (women)
4 p.m. Ateneo vs DLSU (women)
Team Standings (Women): *Ateneo (11-2); *La Salle (11-2); UST (8-5); *FEU (8-6); NU (7-6); UP (7-7); UE (1-13); Adamson (1-13)
(Men): *Ateneo (13-0); *NU (12-1); *FEU (7-6); *UST (6-7); Adamson (5-9); La Salle (5-9); UP (5-9); UE (1-13)
* – semifinalist

PAGLALABANAN ng nagtatanggol na kampeon na De La Salle University Lady Spikers at Ateneo de Manila University Lady Eagles ang unang puwesto sa pagtatapos ngayon ng eliminasyon ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pipilitin naman ng National University Lady Bulldogs na makahirit ng playoff para sa Final Four sa pagsagupa nito sa University of Santo Tomas Tigresses sa unang laro ng women’s division.

Una munang magtatangka ang naghahangad sa ikatlong sunod na korona na Ateneo Blue Eagles na walisin ang eliminasyon sa pag-asinta sa ika-14 sunod na panalo at agad tumuntong sa kampeonato sa pagsagupa sa NU Bulldogs ganap na alas-8 ng umaga.

Bitbit ng nangungunang Blue Eagles ang 13-0 record habang nasa ikalawang puwesto ang Bulldogs na may 12-1 kartada.

Susundan ito ng importanteng salpukan sa pagitan ng Far Eastern University Tamaraws at host UST Tigers na magdedetermina kung sino ang ookupa sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa semifinals sa kanilang engkwentro ganap na alas-10 ng umaga.

Agad itong susundan ng paluan sa pagitan ng UST Tigresses, na asam ang panalo para makadiretso agad sa Final Four, at NU Lady Bulldogs, na hangad naman makapuwersa ng playoff para sa huling silya sa semis, ganap na alas-12 ng tanghali.

Huling magsasagupa dakong alas-4 ng hapon ang kapwa nakakasiguro ng dalawang beses tataluning insentibo na La Salle at Ateneo na matatandaang nagsagupa para sa titulo sa nakalipas na huling limang kampeonato, para pag-agawan ang unang puwesto matapos kapwa magtala ng 11-2 panalo-talong karta.

Napuwersa ang UST at NU na pagtalunan ang huling puwesto sa Final Four matapos siguruhin ng FEU Lady Tamaraws ang puwesto sa semifinals sa pagpatalsik sa University of the Philippines Lady Maroons, 25-16, 25-16, 27-25, noong Miyerkules.

Bunga ng panalo sa UP, nasungkit ng FEU ang ikatlong sunod na paglalaro sa semifinals.

Tatlong koponan ang posibleng magtabla sa 8-6 panalo-talong kartada sa pagtatapos ng eliminasyon na binubuo ng FEU at kung mananalo ang NU kontra UST ngayon para sa ikatlo hanggang ikalimang silya.

Gayunman, ang FEU ang agad makakasiguro ng ikatlong silya base sa ranking points na pagbabasehan sa tiebreak. Ito ay dahil hawak ng Lady Tamaraws ang bentahe na 26 puntos na siyang magtutulak sa Tigresses (24) at Lady Bulldogs (19) upang paglabanan ang ikaapat at pinakahuling silya sa matira-matibay na knockout match.

Agad naman mahahawi ang Final Four kung magwawagi sa laro ang UST na makakamit ang kabuuang 9-5 kartada at diretsong magpapatalsik sa NU at samahan ang nagtatanggol na kampeong La Salle, Ateneo at FEU sa Final Four na isasagawa matapos ang Mahal na Araw.

Huling tinalo ng Lady Bulldogs ang nangungunang Lady Eagles sa matinding limang set, 17-25, 25-23, 22-25, 25-21, 15-13, subalit agad nakalasap ng dalawang sunod na kabiguan kontra napatalsik na UP at ang nakapasok sa semils na FEU.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binigo naman ng UST ang UP, 25-20, 25-21, 25-16, upang masungkit ang ikawalo nitong panalo sa loob ng 13 laro. Una nang tinalo ng UST ang NU,  21-25, 25-14, 25-14, 25-12 3-1, sa kanilang unang paghaharap noong Marso 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending