Van vs. motor: 2 patay | Bandera

Van vs. motor: 2 patay

John Roson - April 07, 2017 - 03:23 PM
cavite Dalawang lalaki ang nasawi nang salpukin ng van ang sinakyan nilang motorsiklo sa General Trias City, Cavite, Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya. Dead on arrival sa ospital ang driver ng motor na si Dennis Bilugan habang binawian ng buhay sa pagamutan ang angkas niyang si Joebert Lapating, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Nasalpok ng van na minaneho ni Arman Manito ang motor nina Bilugan sa bahagi ng Governor’s Drive na sakop ng Sitio Tinungan, Brgy. Manggahan, dakong alas-10:45. Lumabas sa imbestigasyon na bago ang insidente’y nahagip ng motor ang dalawang pedestrian at nawalan na ng kontrol sa manibela ang driver. Dahil doo’y lumipat sa kabilang lane ang motor kung saan ito nasalpok ng kasalubong na van, ayon sa ulat. May isa pang sasakyan sa unahan ng van, pero nagawa nitong iwasan ang motor, ayon sa pulisya. Nasa kostudiya na ng lokal na pulisya ang driver ng van para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending