Online dating at money laundering

MARAMING mga kasong kinasasangkutan ang ating mga OFW na wala ni katiting na kaugnayan sa kanilang mga trabaho sa ibayong dagat. ‘Ika nga, hindi “work-related” ang mga iyon.

Tulad na lamang ng isang Pinay hotel worker sa Hong Kong na nagkaroong ng boyfriend sa pamamagitan ng online da-ting. May nakilala siya online at pakilala nito ay nagtatrabaho raw siya sa isang construction company sa United Kingdom. At hindi nagtagal, naging boyfriend niya iyon.

Mabilis ang mga pangyayari. Kahit sa maikling panahon na pag-uusap nila sa pamamagitan ng social media, nagkaroon agad ng relas-yon ang dalawa.

Katulad ng maraming magkasintahan, nagsimula na rin silang magplano at marami nang napag-usapan at napagkasunduan para sa kanilang kinabukasan.

Pinangakuan pa ng boyfriend ang Pinay na magtatayo sila ng negosyo sa Pilipinas pati na sa Hong Kong.

Ayon sa Pinay OFW, January 2014 pa nang magsimula ang kanilang relasyon. Buwan nang Marso 2014 nang magpadala sa kanya ang boyfriend ng pera. Idineposito iyon sa kaniyang bank account. At pagkatapos binigyan niya ng instruksyon ang Pinay na ililipat naman niya iyon sa ibang bank account sa Hong Kong.

Nagkakahalaga iyon ng 350,000 Hong Kong dollars. Ipinadeposito lamang nito ang halagang 347,000 at ibinigay sa OFW ang 3,000 HK dollars bilang financial assistance ‘anya sa kaniya ng boyfriend.

Buong akala ng Pinay ganoon na lamang pala kalaki ang tiwala sa kaniya ng boyfriend dahil napakalaking halaga ang i-pinalilipat nito sa ibang bank account.

Ngunit mabilis ang mga awtoridad sa ganitong klase ng mga kuwestiyo-nableng transaksyon.

Paano nga naman magkakaron ng ganoon kalaking halaga ang isang OFW na magkano lamang ang sinusuweldo sa pagtatrabaho bilang domestic helper?

Nakaalarma kaagad i-yon sa Hong Kong. Sa loob din ng buwang iyon, naka-block na ang bank account ng Pinay pati na ang pinaglipatan nito ng pera.

Hinuli siya ng mga awtoridad at kasalukuyan pang dinidinig ang kaniyang kaso may tatlong taon na ngayon ang nakararaan.

Maging dito sa Pili-pinas, may Anti-Money Laundering Council tayo na siyang nagbabantay sa mga kahina-hinalang mga transaksyon at galaw ng pera sa mga pinansiyal na institusyon tulad ng banko.
Ang buong daigdig ay nagmamanman sa ganitong ilegal na mga gawain ng mga big time na sindikato at naglilipat ng malalaking halaga ng salapi para sa kanilang ilegal na mga negosyo.

Maging alerto sana ang ating mga OFW dahil napakalaki ng kanilang potensiyal na sila ang mabiktima at magamit ng mga sindikatong ito kapalit ng malaking halaga rin na ipinapangako sa kanila na puwedeng pag-interesan nga naman ng mga OFW kung sakaling magawa nila ang tipong mga inosenteng transaksyon.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (Lunes hanggang bIyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali) audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Read more...