Dalawang beses nagka-aberya ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga.
Ayon sa service status ng MRT 3, nagka-aberya ang north bound train ng MRT alas-8:22 ng umaga.
Kinailangang pababain ang mga pasahero sanhi ng technical problem sa Magallanes station. Inilagay ito sa Category 3 na nangangahulugan na inalis ang tren ng walang naging kapalit.
Alas-10:53 naman ng pababain ang mga pasahero sa Magallanes station na pa-north bound.
Inilagay naman ito sa category 2 na nangangahulugan na inalis ang tren pero mayroong naging kapalit.
Mula Abril 1 ay apat na beses ng nagkaaberya ang MRT 3.
MOST READ
LATEST STORIES