Sulat mula kay Cora ng Lima, Pastrana, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Nabaon po kami sa utang kasi pilit naming minintina yong tindahan naming ng pagkain sa palengke kahit na ito ay palugi naman at mahina ang kita. Dito kasi kami kumuha ng ikinabubuhay kahit na ang puhunan namin ay galing lang sa utang. Ang mister ko naman ay dating OFW pero mula ng bumaba siya sa barko at hindi na uli nakasampa. Nais ko lang malaman Sir Greenfield, kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa utang at sa paanong paraan? November 13, 1977 ang birthday ko at April 28, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Cora ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Parehong may malinaw na Travel Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa kaliwa at kanang palad nyong mag-asawa. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, walang duda pareho kayong makapag-aabroad. At sa sandaling makapag-abroad na kayong dalawa, tulad ng inaasahan, makakaahon na sa kahirapan ang pamilya at unti-unti na ring mababayaran ang inyong mga pagkakautang.
Cartomancy:
King of Diamonds, Eight of Diamonds at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing muling makapag-aabroad si mister at sa kanyang muling pag-aabroad, mula 2017 hanggang 2018 tuloy-tuloy na uling aangat ang inyongkabuhayan, at pagkatapos nito, sa 2019 ikaw naman ang makapangingibang bansa.
Itutuloy…
Paano aahon sa utang?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...