KathNiel patutunayang sila pa rin ang No. 1 loveteam

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

MALALAMAN natin sa pagbubukas ng “Can’t Help Falling In Love” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung sila pa rin ang number one loveteam sa bansa.

Sagad-sagaran ang promo ng latest offering ng Star Cinema at kahit ang pinag-uusapang ASAP production number ng KathNiel ay talagang ginamit ng fans para maibandera sa buong mundo ang bagong project ng kanilang mga idol.

“Hindi nawawala ang grabeng kilig nila. Sila pa rin,” saad ng isang KathNiel fan na nangakong magbu-volt in ng kanilang powers to make sure na hindi lang sa regular run ng movie sila magpapakita ng lakas kundi maging sa mga block screenings.

“They have to break their own big records at the tills. Walang makakagawa nu’n kundi sila lang din,” sey pa ng very supportive fan nila.

Sa “Can’t Help Falling In Love” ay sinasabing mas nag-level-up sina Daniel at Kahtryn dahil mas mature pa sa last movie nila ang kanilang mga role rito.

Read more...