BAGO mag-alas-9 ng gabi Martes, niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Metro Manila at ilang karatig probinsiya.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang 5.4 magnitude na lindol sa Tingloy, Batangas, alas-8:58 ng gabi.
Naramdaman ang pagyanig sa Makati, Quezon City, Maynila, Pasig at Laguna.
Naramdaman din ito sa Cavite at Quezon, base na rin sa mga ipinadalang tweet at message sa Facebook ng ilang followers.
Intensity 4: Makati; Obando, Bulacan
Intensity 3: Mandaluyong City; Quezon City; General Trias at Dasmarinas, Cavite; Sta. Ana, Manila; Lucena City, Quezon
Intensity 2: Talisay, Batangas; Pasig City
MOST READ
LATEST STORIES