McCoy, Elisse handa na para sa mas matinding hamon

McCOY DE LEON AT ELISSE JOSON

McCOY DE LEON AT ELISSE JOSON

TULOY na tuloy na ang pagsalang sa teleserye ng tambalan nina McCoy de Leon at Elisse Joson sa ABS-CBN. Kasama sila sa isa sa mga bagong soap sa Kapamilya network titled Kung Kailangan Mo Ako.

Handang-handa na si McCoy sumabak sa mga madramang proyekto. Naumpisahan na niya sa unang pagbibida niya sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Tungkol sa kwento nang pagbangon ng isang rebeldeng anak na biglang naulila at hinarap ang buhay nang magisa ang role na ginampanan ni McCoy sa longest drama anthology sa telebisyon.

Naging malaking hamon ang paglabas ni McCoy sa MMK hindi lang dahil sa kanya nakasentro ang kwento kundi nakaeksena pa niya ang Drama King na si Christopher de Leon at ang mahusay na aktres na si Tetchie Agbayani na gumanap bilang mga magulang niya.

Malaking challenge talaga kay McCoy ang paglabas niya sa MMK kung saan sandamamak ang heavy scenes niya, huh! But in fairness to McCoy, pasado naman ang ipinamalas niyang akting sa pagganap sa programa ni Charo Santos.

Bukod kina Boyet at Tetchie, nakasama rin niya sa episode ng MMK last Saturday sina Louella de Cordova, Patrick Sugui, Dang Cruz at Lei Navarro, na idinirek ni Elfren Vibar.

Read more...