Gabbi sasali sa Bb.Pilipinas: Idol ko talaga sina Shamcey at Pia!

gabbi garcia

BATA pa lang ay pangarap na ni Kapuso Princess Gabbi Garcia na maging beauty queen. Mahilig daw talaga siyang manood ng mga beauty pageant at bilib na bilib daw siya sa tapang at confidence ng mga babaeng sumasali sa beauty contest.

Ani Gabbi, ang dalawa sa mga hinahangaan niyang beauty queen ay sina 2011 Miss Universe 3rd Runner-Up Shamcey Supsup at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Sa presscon na ibinigay ng GMA Artist Center kay Gabbi para sa kanyang kauna-unahang international endorsement niya, ang Pantene, sinabi ng dalaga na idol na idol niya ang dalawang Pinay beauty queen.

“I love them because they are so confident. Si Ms. Shamcey gustung-gusto ko yung pagiging morena niya and she’s very intelligent. Ms. Pia naman is so unique, so inspiring.

“Nakakabilib ‘yung pagiging pursigido niya, at siya talaga ‘yung idol ngayon ng bawat babae para maging confidently beautiful with a heart,” ani Gabbi na ang sexy-sexy ngayon kaya naniniwala ang members of the press na pwedeng-pwede siyang maging beauty queen.

Pero sa ngayon daw, magpo-focus muna siya sa kanyang acting career dahil 18 pa lang naman daw siya, “Siguro kapag 21 or 22 na ako, pwede nang sumali, para kumbaga hinog na. I’m very grateful sa GMA dahil ang gaganda ng mga projects na ibinibigay nila sa akin.”

Idagdag pa nga ang napakalaking blessing na dumating sa kanyang career this year, ito ngang pagiging celebrity endorser ng Pantene para sa bago nitong summer campaign.

In fairness, siya ang kauna-unahang Pinay na gumawa ng TV commercial for Pantene na ipinalalabas ngayon sa 10 bansa, kabilang na ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, China, Hong Kong, Taiwan at Australia kung saan kinunan ang nasabing ad campaign.

“I feel very blessed to do this ad campaign, it’s a once-in-a-lifetime opportunity which is why I really grasped it, cherished it, and enjoyed it. Actually, ang dami kong first time na nagawa rito sa shoot. Imagine, ako lang po ‘yung Filipina sa buong production!

At sobrang nakaka-proud lang na dala ko ang Pilipinas sa project na ito,” chika ng Encantadia star.

Nakatrabaho ni Gabbi sa nasabing proyekto ang celebrity hairstylist na si Ken Arthur, top stylist na si Elise Goodman, at ang kilalang make-up artist na si Robbie Pinera.

Kaliga na ngayon ng Kapuso actress ang iba pang ambassador ng nasabing brand, tulad nina Selena Gomez, Ronda Rousey, Elie Goulding, Gisele Bundchen at marami pang iba.

q q q

Samantala, nilinaw ni Gabbi ang mga chika tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Ruru Madrid, ang dati niyang ka-loveteam sa Encantadia.

Hanggang ngayon daw ay super friends pa rin sila ni Ruru kahit na hindi na sila ang magkatambal sa fantaserye ng GMA. Matibay na ang foundation ng friendship nila ng binata. Aniya, wala pa sa mas mataas na level ang relasyon nila.

“Espesyal si Ruru sa akin, siyempre, ang tagal na naming magkasama, halos araw-araw nagte-taping kami, pero hindi pa talaga umaabot sa boyfriend-girlfriend. Yes, malapit na rin siya sa parents ko kaya kung manliligaw siya, unahin niya munang ligawan ang magulang ko,” natatawang chika ni Gabbi.

Speaking of Encantadia, ibinalita ni Gabbi na hanggang May na lang ang kanilang programa sa GMA Primetime Bida, wala raw siyang idea kung mae-extend pa ito dahil sa pagkakaalam niya, ang papalit sa timeslot nila ay ang Mulawin vs Ravena na nagsisimula nang mag-taping ngayon.

Inamin ng dalaga na ngayong malapit nang ma-tapos ang Encantadia, mami-miss talaga niya ang buong cast at ang production, kasama na ang direktor nilang si Mark Reyes.

Sana raw kahit tapos na ang serye ay tuloy pa rin ang pagba-bonding nila, lalo na ang mga kapatid niyang Sang’gre na sina Sanya Lopez, Glaiza de Castro at Kylie Padilla, pati na rin sina Ruru, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Klea Pineda, Phytos Ramirez at marami pang iba.

Read more...