Kilalang celebrity nagagamit sa mga pekeng press release

blind item

Napapailing na lang ang ibang nakababasa sa naglalabasang press releases patungkol sa kilalang personalidad dahil halatang hard sell, wala naman kasing kinalaman ang mga balita sa programa niya.

Pagtatanggol naman ng taong malapit sa kilalang personalidad, “Hindi naman siya ‘yan, eh. May nagpapalutang lang para mapansin din ‘yung binabanggit sa release, e, hindi na lang kumikibo si ______ (kilalang personalidad) para walang isyu. Ayaw na niya ng kanegahan ngayon.”

Nagtataka nga raw ang kilalang personalidad kung bakit nasabit ang taong inili-link sa kanya, e, wala naman daw siyang alam at nagkakilala lang dahil nga kaanak siya ng nakasama niya sa show.

“Wait mo lang, after the show, magsasalita ‘yan kung ano ang truth. Knowing mo naman ang lola mo. Kung anu-ano nga ang pinalulutang, eh maraming hindi totoo,” tsika sa amin.

Sabagay, kilala namin ang tinutukoy na personalidad ng aming kausap, kapag may gusto o bago sa buhay niya, kaagad itong naka-broadcast. Pero i-check mo social media accounts niya, waley naman.

Read more...