Anne may bonggang regalo sa madlang pipol bago pakasal kay Erwan Heussaff

anne curtis direk erik matti at brandon vera

LUMARGA na ang unang pagsasama sa big screen nina Anne Curtis at martial arts artist na si Brandon “The Truth” Vera, ang “Buy Bust.”

Pet project ito ng director na si Erik Matti na last year pa sana sinimulan at binalak isali sa nakaraang film festival. Eh, binusisi kasi ito nang husto kaya nagkaroon ng delays bago sinimulan.

Ngayon nga ay smooth sailing na ang shooting ng pelikula. Ibang putahe naman ito para kay Anne matapos mapanood sa romantic comedy na “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.” with Dennis Trillo and Paolo Ballesteros.

Bale, ang “Buy Bust” movie ang magiging pre-wedding gift ng TV host-actress sa kanyang mga fans and followers bago siya magpakasal kay Erwan Heussaff na magaganap na anytime this year.

Ang action-suspense movie na “Buy Bust” ay mula sa produksyon ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Read more...