Male singer maraming lihim sa buhay, kalahi raw ng mga echoserang palaka

BLIND ITEM MALE 0624
Hindi rin “lumaki” ang ulo ng kanyang manager na si Kuya Jobert Sucaldito na everytime kailanganin ng mga kapatid niya sa panulat si Michael for a show, concert or personal requests. Very willing naman si Michael basta pakiusap ng mga taga-media at kung libre lang ang schedule niya.

Last month lang ay napagbigyan kami ni Michael na kumanta sa wedding kung saan isa kami sa principal sponsors. Hindi pa natatapos ang isang araw, agad na nag-confirm si Kuya Jobert na okey si Michael upon checking na wala siyang schedule sa gabi.

Unlike ‘yung isang singer na nilapitan namin for this event. Kinuha niya ang number namin para ite-text na lang daw niya kami kapag natsek na niya ang kanyang schedule. Naghintay naman kami ng text niya pero waley! Ha-hahaha!

Two days before the wedding, kitang-kita namin ang singer na ito kung paano dahan-dahang nagtago sa lalaking kausap niya sa isang sulok habang papasok kami sa isang building.

Pero hindi na namin siya nilapitan at hinayaan na lang siya sa kanyang pagtatago. Tutal sanay naman yata siyang magtago pag nahuhuli sa akto! Ha-hahaha!

Nakaka-sad lang lang kasi all the while na tsinitsika-tsika niya kami sakay na sakay kami sa pagiging sinsero niya nu’ng kinuha niya ang number namin.

Parang kailan lang, right after niyang manalo sa isang talent search, isa kami sa mga unang nagbigay ng show sa kanya mula sa kagandahang-loob ng kanyang dating manager.

But now we realized na hindi pa rin pala nagbago ng ugali ang male singer. Mahirap talaga kapag hindi ka sigurado sa sarilli at may mga itinatagong lihim sa buhay.

Anyway, this coming Saturday (April 8) na ang concert ni Michael titled “56K with Kara and Khel” sa Music Museum, Greenhills. Kasama sa concert ang singer na si Kara plus special guests na sina Hashtag Nikko Natividad, Kiel Alo, Ezekiel, Anthony Rosaldo at Duncan Ramos with the special participation of Vice Ganda.

Read more...