DEDMA si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa pahayag ng nahuling opisyal na si Supt. Lito Cabamongan, Muntinlupa Crime Laboratory chief, na dapat tiyakin na hindi siya mapapatay sa loob ng kulungan.
“Why? Who is he para magkainteres kami. Baka mamaya ang magka-interes sa kanya ‘yung mga kasama niya sa kulungan na pinagsisipa niya,”sabi ni dela Rosa.
Idinagdag ni dela Rosa duda siya sa pangamba ni Cabamongan na matutulad siya sa nangyaring pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
“Tell him not to worry,” ayon pa kay dela Rosa.
Nahuli si Cabamongan habang nagpa-pot session kasama ang isang babae sa loob ng isang barong-barong sa Las Pinas.
“Hindi kami magka-interes sa kanila. Ang sa amin is tanggalin siya sa serbisyo. ‘Yun lang ang aming intention para matapos na; isipin mo, nahuli ka nag-pot session, colonel ka,” dagdag ni dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.