Gusto nang hiwalayan ang BF na may asawa na (2)

Sulat mula kay Caryll ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Problema:
1. Noong una ang pakilala sa akin ng boyfriend ko ay binata siya at naniwala naman ako. Peron nang makuha nya na ang lahat ng gusto nya sa akin at maraming beses ng may nangyari sa amin, doon ko lang nalaman ang katotohanan, may asawa pala siyang legal sa kanilang probinsiya. Itatanong ko lang kung kahit kaya may asawa siya may pag-asa kayang kami pa rin ang magkakatuluyan? Gusto ko na kasi siyang hiwalayan pero ayaw nyang pumayag dahil ang sabi nya sa akin mas mahal nya daw ako kaysa sa kanyang asawa at handa daw siyang hiwalayan ang asawa nya para sa akin.
2. Totoo kaya ang pa-ngako nyang iyon? At kung hihiwalayan nya ang legal wife nya kailan kaya mangyayari yon para masolo ko na siya? Kung hindi naman magiging kami, may lalaki pa kayang darating sa aking buhay na binata at solong-solo ko na talaga? October 7, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Caryll ng Negros
Occidental
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong makikilala sa buwan ng Disyembre sa taon ding ito ng 2017, upang pagkatapos, sa sandaling nahiwalayan mo na ang boyfriend mong may asawa na, siya na ang makakatuluyan mo at pang habang buhay na makakasama.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking binata na paparating pa lang na makakasama habang buhay at tuluyan na ring mapapangasawa ay isinilang sa petsang 4, 13, 22 o kaya’y 31.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang nasabing pag-aanalisa sa itaas, ang mahiwalayan mo ang boyfriend mong may asawa na at pagkatapos ay makapag-asawa ka ng binata, lagi kang magsuot at gumamit ng kulay pink at green. Sa nasabing kulay malalayo ka na sa kasalukuyan mong BF na may asawa na, kasabay nito mahihigop ka ng isang binata na may laging nakakulay white na damit.
Huling payo at paalala:
Caryll ayon sa iyong kapalaran panahon na upang hiwalayan mo ang kasalukuyan mong karelasyon – ang lala-king may asawa na, upang pagsapit ng buwan ng Disyembre tuluyan ka ng maging malaya, kataon naman nito makikilala mo na ang isang lalaking binata na pinakilala na sa itaas, at pagsapit ng taong 2018 sa buwan ng Mayo o kaya’y Setyembre, tuluyan na kayong magpapakasal at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Read more...