Kaarawan nina Bianca, Sef, Paolo mas naging makabuluhan

sef bianca paolo

NAMAHAGI ang mga GMA Artist Center stars na sina Bianca Umali, Paolo Contis at Sef Cadayona ng regalo sa mga napili nilang charities para ipagdiwang ang kanilang kaarawan.

Bilang bagong World Vision Youth Ambassador, lumipad patungong Cebu noong Marso 7 si Bianca Umali para makasalamuha ang mga beneficiaries ng organisasyon at mamigay ng regalo sa mga ito. Dito ay nakisaya at nakipaglaro si Bianca sa mga bata at kita sa mga mukha nitong nag-enjoy silang kasama ang Kapuso star.

Pero para kay Bianca dapat ay maiparating niya sa mga batang itong mahalaga ang pagkakahilig sa pagbabasa, “It’s nice to see them have fun and learn at the same time. I want to encourage the children to read and gusto kong maranasan nila ‘yong childhood na creative through reading.”

Para naman kay Paolo Contis, ipinagpapasalamat niya ang pagkakataong makasalamuha ang mga inabandona at naulilang bata ng Boys Town sa Marikina City. Dito kasi ay narinig niya ang mga nakaaantig na kwento ng mga bata, na naging dahilan din para panindigan taun-taon ang ganitong adbokasiya.

Pagbabahagi pa ng aktor, “I’ve been meaning to see my own kids, but they are currently in Cebu so I really have to plan when to visit. In the meantime, I’m glad to have met these children, kasi parang nakalaro ko na rin ang mga anak ko.”

Samantala, sinalubong naman ng kilig at tilian ang Meant To Be actor na si Sef Cadayona ng mga estudyante ng Wawa National High School sa Rodriguez, Rizal noong Marso 14. Sinusubaybayan gabi-gabi ng mga estudyanteng ito ang primetime show ng aktor kaya naman nagpasalamat siya sa suportang binibigay ng mga ito sa kanilang palabas.

At sa taunan niyang pagdiriwang, nag-abot muli ng tulong si Sef sa mga nangangailangan at napagpasiyahang electric fan ang i-donate sa paaralan. “Naisip ko lang na these students can focus easier if they are comfortable in class. Para rin may maibigay naman ako o may mai-contributenaman ako sa pag-aaral nila. Our weather condition can be a serious concern for the students, so I hope makatulong talaga ito.”

Dahil dito, nagsisilbi silang ehemplo sa mga taong humahanga sa kanila. Bukod sa nakakatulong sila, naipapakita rin nila ang kahalagahan ng pagtulong sa iba.

Read more...