Horoscope, April 01, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Abril. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng damit na kulay dilaw. Sa nasabing kulay, madadagan ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra”

Aries – (Marso 21-April 19) — ‘Wag magpaimluwensya sa iba. Sariling pagpapasya ang dapat upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa halip ikaw ang dapat na magsikap. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Aum.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Huwag maghangad ng labis na kayamanan. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang mangutang, sapagkat mas mainam pa rin ang simpleng pamumuhay ng walang luho sa katawan, kaysa naman dahil sa kayabangan baon sa utang ang buong pamilya. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal, kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas

Leo – (July 23 – August 22) — Ngayon na ang panahon upang magpakasipag. Ibigay ang the best sa anomang ginagawa. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang mahal ka pa rin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Ngayong panahong summer isagawa na ang naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, sa tulong ng isang Capricorn mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa panahong ito ng tag-araw habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim sa iyong pagnanasa – mag-ingat ka sa kanya. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sabihin sa kasuyo na huwag maging ma-epal upang hindi mabulilyaso ang kasalukuyang transaksyon. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrena-Om.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malabong magtatagumpay sa sandaling kung ano-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon sa iisang gawain ang dapat upang yumaman. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Kirata-Om.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang hindi ka niya iniiwan. Ngayong nalalapit na ang panahon ng Semana Santa, magpasalamat kay Lord, upang patuloy na dumating ang grasya at mga pagpapala. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kakilala ang manghihiram ng pera, hindi mo siya dapat pautangin, dahil siya ang kabigang hindi marunong mag bayad. Sa pag-ibig, laging purihin ang kasuyo sa anumang kanyang ginagawa, upang lalo pa siyang ganahan. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Read more...