Vice unti-unting malalaos dahil sa pambabastos kay Jessica Soho

Vice Ganda and Jessica Soho

Just because inokray-okray raw ni Vice Ganda ang isang medyo chabelitang kinuha niya sa audience ay agad-agad na sinabi ng detractors ng stand-up comedian na pinatutsadahan nito ang nakaaway niyang si Jessica Soho.

How convenient for some people na i-connect agad-agad ang senaryo sa nangyari sa kanila ni Jessica. Pinalalabas daw na hindi sincere si Vice sa paghingi niya ng tawad kay Jessica.

Nangyari raw ang eksena noong guest sina Gerald Anderson at Rayver Cruz, which, sad to say, ay hindi namin napanood.

Paulit-ulit din naming nakikita ang posts sa Facebook ng dating away ni Vice Ganda kay Tado. Obviously ay inilalabas ito to drive home a point – na gusto ni Vice Ganda na siya lang ang magpapakawala ng biro pero kapag siya na ang binibiro ay galit na siya.

Actually, nilait ni Vice Ganda si Tado when he said na kung ganyan ang hitsura ng lalaki ay walang baklang papatol. Nabasa kasi niya ang nakasulat sa t-shirt ni Tado na “di bale na ang magnakaw kaysa mamakla.”

Pinatutsadahan din niya si Tado nang sabihin niyang alam niya kung bakit natalo ito noong kumandidato noong panahong iyon.

Parang hindi yata matapos-tapos ang issue kay Vice Ganda. Parang gusto siyang isumpa ng lahat dahil lang sa “rape jokes” na kanyang pinakawalan. Ang daming naiinis, naaasar sa kanya kaya hindi na kami magtataka kung bumaba ang appeal niya.

Kung patuloy pa rin si Vice sa kanyang comedy bar humor ay baka tuluyan na siyang malaos, bagay na hindi malayong mangyari dahil sa naging NAPAKAYABANG na niya at parang wala nang sinisino. Agree ba kayo dear readers?

Read more...