TNT Katropa isasabak ang bagong import

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs TNT Katropa
7 p.m. Star vs NLEX
Team Standings: Meralco (4-0); Alaska (3-0); Star (2-0); Rain or Shine (3-1); TNT (1-1); Phoenix (1-2); Mahindra (1-3); GlobalPort (0-2); NLEX (0-3); Blackwater(0-3); San Miguel Beer (0-0); Barangay Ginebra (0-0)

MASUSUBOK ang kakayahan ng bagong dating na si Donte Dominic Greene sa pagsabak nito para sa TNT Katropa Texters na asam ang back-to-back na panalo sa pagsagupa sa Blackwater Elite sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commisioner’s Cup elimination round ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Agad magsasagupa ganap na alas-4:15 ng hapon ang Tropang Texters (1-1) at Elite (0-3) bago sundan ng salpukan sa alas-7 ng gabi ng Star Hotshots (2-0) at NLEX Road Warriors (0-3).

“We just have to see how he fares. First game niya, relatively, short time to learn our system, ” sabi ni Tropang Texters coach Nash Racela sa bago nitong import na dating NBA campaigner na papalit sa nakadalawang laro na si NBA journeyman Lou Amundson.

Nabigo ang Tropang Texters sa Meralco Bolts, 89-94, sa unang laro ni Amundson matapos nitong biglang palitan si Denzel Bowles na iniwanan ang koponan bago pa magbukas ang import reinforced conference. Gayunman, agad itong nakabawi pagkaraan ng dalawang araw laban sa Phoenix Petroleum Fuel Masters, 134-109.

Dagdag problema naman sa Elite ang hindi paglalaro ni Mac Belo na iniinda ang dati nang knee injury at ang nawala sa active list na si Arthur dela Cruz na nasaktan sa Achilles tendon sa inisyal na training sa Gilas Pilipinas na naghahangad ng ikawalong titulo sa 12th SEABA Men’s Championship 2017 sa Mayo 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.

Nananatili namang positibo si Blackwater coach Leo Isaac sa tsansa ng kanyang koponan at nakatingin sa nakuha sa trade na si KG Canaleta buhat sa GlobalPort kapalit nina Dylan Ababou at James Forrester pati na sa pinapirma na free agent na si Mark Cruz.

“Again we will give our very best to get our first win for this conference,” sabi ni Isaac matapos na hindi umubra ang mga manlalaro sa Phoenix, 116-118, sa overtime pati na sa Alaska Aces, 95-109, at defending champion Rain or Shine Elasto Painters, 88-95. “We hope that our new players can come up with good performances to help our team,” sabi nito.

Read more...