Baguhang direktor todo pasalamat sa AlDub: Ang sarap nilang katrabaho!

 

INILABAS sa Instagram account ng director ng Destined To Be Yours na si Irene Villamor ang damdamin niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga bidang sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Imagine nga naman, baguhang maituturing si direk Irene and yet, inatang sa kanya ang malaking responsibilidad sa unang series nina Alden at Meng. Ang sarap daw katrabaho ng dalawa.

“Just finished a scene with these two…@aldenrichards02 @mainedcm sobrang sarap pala bilang director when you are discovering things about your actors, when you push them so hard and they let you…when they trust you with their hearts, it is my ultimate reward. Thank you for today. ‘nood po kayo gabi-gabi! #destinedtobeyours,” ang ipinost na status ng direktor.

Bilang ganti naman ng ilang fans ng dalawang bida, nag-tweet din sila ng pagtitiwala kay direk Irene.

Gabi-gabing tunghayan sa DTBY kung magbabalik ang pagtingin ni Sinag (Maine) kay Benjie (Alden) ngayong may pinagdaraanan ang kanilang samahan, huh!

Read more...