“WALEY! Hanggang diyan na lang siya, promise!” sigaw ng isang miron patungkol sa isang young actress na may kakaiba ring tono ng kamalditahan. Hanggang paganyan-ganyan na lang kuno ang career ng young female personality.
Hindi raw niya maaabot ang popularidad na hawak-hawak ngayon ng isang taong hindi iba sa kanya dahil ang babaeng ‘yun, kahit sikat na, ay may magandang ugali at walang kamalditahan.
“Naku, naloloka sa kanya nu’n ang mga katrabaho niyang production staff, hano! May kaartehan ang babaeng ‘yun, akala mo na kung sino siyang may napatunayan na kung umasta, e, walang-wala pa nga siya sa dulo ng daliri ng taong sinundan niya ang yapak sa showbiz!
“Kaya sumikat ang isang ‘yun, e, dahil sa galing niyang makisama, wala siyang kaartehan, ma-PR ang isang ‘yun, hindi mareklamong tulad niya!
“Tama bang nu’ng minsan, e, pinakikiusapan lang siya ng staff na kung puwede, e, i-voice-over niya ang iilang linya lang naman para sa show nila dahil for airing na kinagabihan, e, sumimangot pa siya?
“Show niya naman ‘yun, hindi naman iba ang makakakuha ng credit, siya rin naman! Aba, ang sabi pa ng hitad, ‘No, I will not do that, I’m not ____ (pangalan ng isang patpating singer-actress-TV host)!
“Hindi nga niya ginawa ang request ng production, umalis na siya, may-I-holding hands pa sila ng boyfriend niya nu’n na isang young singer-actor naman!” napapailing na kuwento ng aming source.
Sayang, maganda pa naman ang young female personality, magaling din siyang mag-host at umarte, kaya nga lang ay may kaartehan at kamalditahan siya, kaya mukhang hanggang diyan na lang ang career niya. Maganda pa rin ang karera ng taong hindi iba sa kanya, in fairness, dahil nga wala itong attitude problem.
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mamili na lang kayo ng pangalan ng isang bulaklak at siya na nga ang maarte at malditang babaeng ‘yan!” pagtatapos ng aming impormante.