Marlon ‘nag-propose’ kay Pia sa harap ni Vice

 

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

KUNG kulang pa ang pakilig ng KathNiel, siguradong marami rin ang mai-inspire at mai-in love sa mga eksena nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger sa Gandang Gabi Vice this Sunday.

On national television kasi ay “nag-propose” nq si Marlon kay Pia. No, hindi pa naman wedding proposal ang offer ni Marlon kay 2015 Miss Universe.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa isang TV interview a few months ago. Unang inamin ni Pia na boyfriend na niya ang gwapong car racer at sinabing isa sa mga nagustuhan niya sa binata ay ang pagiging gentleman nito at naiintindihan ang load ng kanyang trabaho.

Sa teaser nga ng Gandang Gabi Vice ay ipinakita ang eksenang tinanong ni Marlon si Pia kung pwede na niyang tawaging girlfriend ang dalaga. “Since I got Vice’s advice to ask you on this show, I’d like to ask you if you would be my girlfriend officially tonight,” ani Marlon.

Dito rin inamin ni Pia na matagal na niyang crush ang binata, “Sine-search ko, ganyan at pinakita ko sa mga friends ko, ‘Uy, ang guwapo nito!'”

Para naman kay Marlon, isang totoong tao at walang kaplastikan si Pia, “She’s unfiltered. She always says straight what’s on her mind… I like that because she’s honest.”

Read more...