Bagong ‘sexting’ scandal ni Kiefer kalat na; fans ni Alyssa naghamon

kiefer ravena
PATULOY na bina-bash at binabastos ng ilang netizens ang kilalang basketball player na si Kiefer Ravena dahil sa kumalat na photo at “sexting” scandal nito.

Ang salitang “sexting” ay tumutukoy sa pakikipag-text ng malalaswang mensahe at mga litrato sa pamamagitan ng cellphone, laptop at iba pang gadget.

Last week, pinag-usapan nang bonggang-bongga ang diumano’y hubo’t hubad na larawan ni Kiefer habang may ka-chat sa internet. Lumabas pa nga ang palitan diumano nila ng malalaswang message at larawan.

Walang reaksiyon ang binata tungkol dito sa kabila ng mga hamon ng bashers na patunayan niyang hindi siya ang nasa mga litrato.

At nito ngang nakaraang mga araw, may kumalat na naman sa social media ng panibagong screenshots ng “sexting” diumano ng Alab Pilipinas player at ng isang babae sa pamamagitan ng Viber na nangyari raw last Valentine’s Day.

Sa takbo ng kanilang usapan, tila nagpapalitan sila ng mga litrato ng kanilang private parts.

Sa nabasa naming comment sa social media, nasa Thailand daw ang basketball player noong maganap ang “sexting” incident. Kasama raw noon ni Kiefer ang girlfriend na si Alyssa Valdez na nagte-training ng volleyball para sa team ng 3BB Nakornnont na nakabase sa Thailand.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash kay Kiefer ng ilang followers ni Alyssa, hindi pa rin nagsasalita ang cager kaya ang feeling ng mga ito, baka nga guilty ang binata kaya dedma na lang ito.

Bukas pa rin ang pahinang ito para sa paliwanag ni Kiefer.

Read more...