Isang lindol na may lakas na magnitude 3.9 ang naramdaman sa Agusan del Sur kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:08 ng gabi.
Nagresulta ito sa Intensity II paggalaw sa Bislig City.
Ang sentro ng lindol ay 11 kilometro sa bayan ng San Isidro at may lalim na 29 kilometro.
Walang inaasahang aftershock ang Phivolcs sa lindol na ito na dulot ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES