Liza handang lumipad bilang Darna

By Ervin Santiago March 28,2017
share this

Liza handang lumipad bilang Darna

By Ervin Santiago March 28,2017
share this
LIZA SOBERANO

LIZA SOBERANO

KINUMPIRMA ng manager ni Liza Soberano na si kumareng Ogie Diaz na isa nga ang kanyang alaga sa kino-consider maging Darna kapalit ni Angel Locsin.

Kapag in-offer kay Liza ang nasabing proyekto, hindi raw nila ito tatanggihan, “Itong Darna, superhero, maraming may gusto na gumanap pa ring Darna. Imadyinin mo yung history ng mga gumanap na Darna, like si ate Vi (Vilma Santos), so kung si Liza ang mapipili for the role, siyempre tatangapin namin ‘yun.”

Tungkol naman sa mga kumukumbinse kay Liza na sumali sa beauty pageant, mukhang ito ang ayaw ni Ogie, “Paano kung hindi siya manalo? Sa tingin ko, hindi niya na naman kailangang sumali sa Bb. Pilipinas dahil Liza Soberano na siya.

“At ang dami-dami niyang raket, kaya hindi niya na mabibigyan ng oras yung training para sa Bb. Pilipinas. Ang dapat sumali yung mga baguhan lang, na kung mananalo sila ay makakatulong sa kanila yung title,” paliwanag pa ng talent manager-comedian sa panayam ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending