Vilma, Charo tie sa best actress; Piolo, Enrique waging best actor

By Julie Bonifacio March 28,2017
share this

Vilma, Charo tie sa best actress; Piolo, Enrique waging best actor

By Julie Bonifacio March 28,2017
share this
VILMA SANTOS AT CHARO SANTOS

VILMA SANTOS AT CHARO SANTOS

TIE sina Lipa Cong. Vilma Santos at Charo Santos sa Pinakapasadong Aktres ng 19th PASADO Awards. Winner si Cong. Vi para sa pagganap niya sa pelikulang “Everything About Her” habang si Charo naman sa “Ang Babaeng Humayo.”

Tinalo nila sina Angel Locsin (Everything About Her), Eugene Domingo (Ang Babae sa Septic Tank 2), Bea Alonzo (How To Be Yours) at Angelica Panganiban (The Unmarried Wife).

Sa kategoryang Pinakapasadong Aktor pala may triple-tie, sina Piolo Pascual (Hele Sa Hiwagang Hapis), Allen Dizon (Iadya Mo Kami) at Enrique Gil (Dukot).

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang Best Actor award ni Quen.

Pinakapasadong Direktor naman sina Lav Diaz (Ang Babaeng Humayo) at Mel Chionglo (Iadya Mo Kami). Ang limang Pinakapasadong Pelikula ng Taon ay ang “Babaeng Humayo,” “Tuos,” “Hele,” “Iadya Mo Kami” at “Ma’ Rosa.”

Winner din si Coco Martin bilang Pinakapasadong Simbolo sa Kagandang Asal at Pinakapasadong Aktor sa Teleserye. Pasado Gawad Dangal ng Kabataan naman sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending