TNT Katropa dinurog ang Phoenix Fuel Masters

AGAD na bumangon ang TNT Katropa Texters mula sa kabiguan matapos nitong durugin ang Phoenix Petroleum Fuel Masters, 134-109, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Linggo sa Ynares Center, Antipolo City.

Nagtala si Louis Amundson ng 20 puntos, walong rebounds at dalawang blocks para bumida sa Tropang Texters na mayroon na ngayong 1-1 kartada.

Kumana naman si Jameel McKay ng 31 puntos, 11 rebounds at apat na blocks para pangunahan ang Fuel Masters na nahulog sa 1-2 record.

 

Read more...