Alden, Maine gagawan ng bonggang concert ni Mike Tuviera

 

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

HIT na hit sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pasiklab nilang number sa concert ng Eat Bulaga Baes last Friday sa Skydome.

Bida man sa concert ang buong tropa ng mor-ning show na Trops, hindi magkamayaw ang crowd sa katitili at paghiyaw sa phenomenal loveteam.

Eh, present si director Mike Tuviera sa concert kaya naman umandar ang utak niya at nag-isip na ng konsepto para gawan ng concert sina Alden at Maine. Aprubado naman siyempre agad ito sa Aldub Nation!

After ng concert, maagang dumating sa Broadway Centrum ang magka-loveteam para mag-rehearse sa opening number nila sa Eat Bulaga na ala-Beauty & The Beast. Wala silang kapaguran, huh!

Matapos naman ang concert, hayun at nakatanggap ng bashing ang teen star na si Taki. Si Kim Last, nilinaw ‘yung pagpapakalat ng maling grupo ng fans na sumusuporta sa kanya, huh!

Wala na talagang sinisino ang mga troll sa social media! Andap nga lang sila sa ADN dahil kinukuyog talaga nila ang bashers ng kanilang idolo.

Read more...