Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magpapalakas sa batas na nagbabawal sa hindi pagtanggap ng pasyente sa ospital dahil wala itong pangdeposito.
Sinabi ng may-akda ng panukala na si Akbayan Rep. Tom Villarin na mayroon pa ring mga pasyente na hindi nakakapagpagamot sa kabila ng ‘no billing policy’ ng Philippine Health Insurance.
Lalo umanong tataas ang bilang ng mga Pilipino na namamatay ng hindi natitignan ng doktor kung hindi maamyendahan ang“An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases” (Batas Pambansa Bilang 702).
Pito sa 10 Filipino ang namamatay ng hindi nakakapagpadoktor at dagdag na problema umano ang kawalan ng barangay health center sa 50 porsyento ng mga barangay.
“Clearly this practice must be stopped. By increasing the penalties for the violation of the Anti-Hospital Deposit Law, expanding the definition of emergency care to include women in active labor and at risk of miscarriage or fetal distress, and providing incentives for health facilities that provide emergency medical services, a framework where preservation of human life is paramount consideration can be created,” ani Villarin.
Sa ilalim ng panukala ipagbabawal ang hindi pagtanggap sa pasyente dahil wala itong maibibigay na deposito.
Ang mga lalabag ay makukulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at multang P100,000 hanggang P300,000.
30
Batas vs deposit sa ospital
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...