NANGUNGUNA si Pangulong Duterte sa online poll ng TIME Magazine para sa taunang nitong 100 most influential people in the world.
Base sa resulta ng online poll ngayong hapon, nakakuha si Duterte ng apat na porsiyento ng kabuuang boto, mas mataas sa iba pang kilalang lider sa buong mundo kagaya ni Pope Francis (3 porsiyento), Canadian Prime Minister Justin Trudeau (2 porsiyento), Beyonce (2 porsiyento), at German chancellor Angela Merkel (2 porsiyento).
Nagbukas ang poll noong Biyernes at magsasara sa Abril 16.
Ihahayag ang opisyal na TIME 100 list sa Abril 20.
Kabilang sa mga personalidad na nakakuha ng dalawang porsiyento ay sina Bill Gates, Bernie Sanders, Serena Williams, Mark Zuckerberg, J.K. Rowling, Emma Watson, Oprah Winfrey, Viola Davis, Usain Bolt, Michael Phelps, Lady Gaga, at Vladmir Putin.
Nakilala si Duterte s buong mundo dahil sa kontrobersiyal niyang gera kontra droga kung saan umani ng mga batikos ang umano’y nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.
Kamakailan, lumabas ang artikulong “Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman” sa New York Times.
Duterte nangunguna sa ‘most influential’ poll ng TIME Magazine
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...