Misis patay sa lasing na mister matapos pagsasaksakin sa  Iloilo

PATAY ang isang 37-anyos na misis nang pagsasaksakin ng lasing na mister matapos magtalo kagabi sa Barangay Agcuyawan Calsada, Barotac Viejo, Iloilo.
Sinabi ng pulisya nagalit ang biktima na si Ligaya Valdez matapos umuwi ng lasing ang kanyang mister na si Carlos, 40, ayon kay Chief Insp. Raymund Celoso, Barotac Nuevo police chief.
Nagtalo ang mag-asawa. May pagkakataong hinampas ni Ligaya ang kanyang mister, na umano’y isang battered husband, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sabi ni Celoso.
“This pushed the husband to stab his wife repeatedly,” dagdag ni Celoso.
Nagtamo ang biktima ng anim na saksak, tatlo sa likod, dalawa sa leeg at isa sa dibdib.
Idineklarang dead on arrival si Valdez sa Barotac Nuevo District Hospital.
Tumakas si Carlos bagamat sumuko rin sa police station sa kalapit na bayan ng Dumangas kung saan siya nakakulong para harapin ang kaso laban sa kanya.

 

Read more...