Kapuso stars na bibida sa ‘Mulawin vs Ravena’ ibabandera sa 24 Oras

dennis trillo heart evangelista at regine velasquez

SA wakas, opisyal nang ibabandera sa 24 Oras ang mga GMA stars ma bibida sa Mulawin vs. Ravena na matagal nang hinihintay mapanood ng Kapuso viewers.

Kaya ngayong Lunes ng gabi, malalaman na kung sinu-sino ang gaganap sa mga pinasikat na karakter ng iconic telefantasya ng GMA. Dahil kakaiba ang kwento nito sa naunang version, kailangang tutukan kung mananatili bang masama ang grupo ng Ravena, o mababago ba ang ugali ng mga Mulawin.

Talagang kapana-panabik ito dahil ngayon pa lang ay usap-usapan na kung sino ang mga magkakakampi at magkakaaway. Sino-sino kaya ang mga Kapuso stars na mapapabilang sa mga Mulawin? At sino naman ang gaganap sa mga karakter na kaanib ng mga Ravena?

Nauna nang naibalita na kasama sa cast sina Regine Velasquez, Dennis Trillo at Heart Evangelista sa fantaseryeng ito kaya alamin kung anong mga role ang gagampanan nila.

Tutukan ang big reveal na ito sa 24 Oras ngayong Lunes, Marso 27!

Read more...