Pokwang galit na galit sa tsismis ng blogger: Sarap konyatan!

pokwang at jc santos

PINALAGAN ni Pokwang ang item sa Fashion Pulis which read: “Pokwang Calls Out JC Santos for being late. Isa sa sekreto para umasenso…. Wag ka ma le late!!!!!

“Alam ko hindi ako super sikat, hindi rin ako super mega to the max na mahusay na artista pero isa lang maipagmamalaki ko, hindi ako nale late kasi mahal ko trabaho ko paaakkkk!!!!! Yun na!”

That was Pokwang’s caption sa photo niya ng set ng I Can do That ng ABS-CBN.

Naloka si Pokwang kasi parang nag-one-plus one ang FP gayong wala namang name na minention ang komedyante, “Well, you should have identified the person then instead of taking a swipe at your co-actor,” say ng FP kay Pokwang.

“Wag mo akong inglisen kaloka! Wag mangialam ng post ng iba kung hindi sure yun lang,” sagot ni Pokwang.

Sa isang Instagram photo, it showed Pokwang na dinalaw ni JC Santos sa set ng Banana Sundae, “Repost from @iamjosel Ayan oh! Super close ang dalawa! Nakakaloka yung imbentong kwento! #ICanDoThat @itspokwang27 @j.c.santos AYAN HA @fashionpulis Dinalaw ako ng anak ko ngayon!!! Ok ka lang? #WalangKredibilidad #SarapKonyatan,” caption ng photo.

Read more...