Balang licensed Zumba instructor na; nag-guest uli sa ‘Ellen’

balang

IPINAGMALAKI ng internet sensation/Kapuso child actor na si Balang kay Ellen De Generes na isa na siyang licensed Zumba instructor. Muling bumalik sa show ng American TV host na Ellen ang child wonder.

Gaya ng unang pagbisita, muling nagpasiklab si Balang sa American audience sa pagsasayaw. Bukod sa hiyawan ng audience, tawa rin nang tawa sa kanya si Ellen dahil nananatiling bibo si Balang kahit dalawang taon na ang lumipas nang mag-guest siya sa talkshow nito.

Hindi naitago ni Ellen ang pagkaaliw niya sa bata na dedicated talaga sa pagsasayaw.

Read more...