Marian waging 2nd hottest asian woman

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

TINANGHAL na second hottest Asian woman in the world si Marian Rivera ng Esquire Indonesia ayon sa report ng website ng FHM.

Three-time FHM’s sexiest si Yan Yan. Nagpahinga na siya sa pagiging cover girl ng mens’ magazine pero may mga bumoboto pa rin sa kanya sa taunang sexiest woman.

Heto ang deskripsyon ng esquire sa GMA Primetime Queen: “Until now, Marian Rivera still dominates Philippine entertainment world, both as an actress and model. The Filipino-Spanish woman has ever been included for a few times in FHM’s list of 100 Sexiest Women in the world.”

Ayon pa sa write up, maging ang Indonesians ay nabibighani sa ganda, kaseksihan at kakaibang karisma ni Yan Yan. Kahit na nga raw 33 years old na ang misis ni Dingdong Dantes, hindi pa rin nawawala ang pagiging hot niya!

Mula noong 2008 hanggang ngayon, taglay pa rin niya ang qualities ng isang hot woman mula sa Pilipinas hanggang Asia.
Bilang katunayan, inilabas ng Esquire ang ilang photos ni Marian galing sa kanyang Instagram account.

Read more...