Paolo: Marami pang pwedeng gawin ang mga bakla!

PAOLO BALLESTEROS

PAOLO BALLESTEROS

KUNG si Paolo Ballesteros ang tatanungin, mas gusto niyang magpahinga muna sa gay role dahil natatakot siya na baka maumay na ang mga tao.

Sa three-movie contract na pinirmahan niya sa Regal Entertainment, isa rito ay ang action-comedy na pagsasamahan nila ni Derek Ramsay.

Pagkatapos ng contract signing ng TV host-comedian sa Regal ay natanong siya kung ano ang ine-expect niya sa “partnership” nila di Derek sa pelikula.

“Hindi ko alam kung partner kami sa trabaho o sa pag-ibig ba. Pero either way okay lang,” natawang sagot ng aktor.

Tinukso siya ng members of the press kung game ba siyang makipag-kissing scene kay Derek. Pabebeng sagot ni Pao, “Hindi ko pa iniisip ang mga ganong bagay. Hayaan ko na lang dumating. Basta maging maganda yung gagawin namin.”

Hirit pa ng award-winning actor, “Mas excited ako actually don sa action part. Gusto ko pisikal. Gusto ko may ginagawa.

“It’s either yon, magta-transform, which is physical, dahil ako ang gumagawa, may comedy rin. Tapos ito may action pa,” sey pa niya.

Pero kung siya raw ang tatanungin, sana raw ay hindi na bading ang role niya sa kanyang next movie, pero kung ito pa rin daw ang plano sa kanya ng Regal, ibibigay pa rin niya ang kanyang best.

“Hopefully, hindi na (gay role), di ba? Para iba naman. Though creative naman tayo, so marami pang pwedeng i-explore kahit na bakla din. Marami pa ring ibang atake ng pagkabakla, so I guess nasa materyal, nasa mga artista,” sey ni Pao.

Mamimili na ba siya siya ng role ngayon matapos makakuha ng ilang Best Actor awards sa “Die Beautiul”? “Iniisip ko hindi naman ako gagawa ng film para kumpitensiyahin ang sarili ko. Hindi naman kailangan i-prove na kailangan Best Actor ka.

“I guess it depends din sa materyal sa story na hindi ko naman din hahayaan na yung story di ko gusto o feeling ko parang medyo waley. Hindi rin ibig sabihin yung pipiliin kong film, e, pang heavy drama o pang awards na naman.

“Kasi gusto ko lang maganda yung pelikulang maibibigay namin sa mga tao,” aniya pa.

Read more...