Cignal-San Beda Hawkeyes nakahirit ng do-or-die semis game

NAKAHIRIT ang Cignal-San Beda Hawkeyes ng do-or-die game kontra Tanduay Rhum Masters matapos manaig, 89-86, sa Game 2 ng kanilang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinals series Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor si Jason Perkins ng 15 puntos habang nag-ambag sina Robert Bolick Jr. at Ben Adamos ng tig13 puntos para pamunuan ang Hawkeyes na itinabla ang kanilang semis series sa tig-isang panalo.

Pinangunahan ni Jaymo Eguilos ang Rhum Masters sa ginawang 18 puntos.

Read more...