Balik-tambalan nina Jodi at Richard tuloy na

JODI STA. MARIA AT RICHARD YAP

JODI STA. MARIA AT RICHARD YAP

BALIK-tambalan sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa binubuong romantic comedy teleserye ng Dreamscape Entertainment.

Ayon sa nakausap naming source muling mapapanood ang JoChard loveteam bago magtapos ang 2017. Matatandaang ang huling tambalan nina Jodi at Richard ay sa pelikulang “Achy Breaky Heart” na ipinalabas noong Hunyo, 2016.

Tagumpay ang tambalang Ser Chief at Maya sa seryeng Please Be Careful With My Heart kaya naman umabot din sila ng halos dalawang taon sa ere at namaalam na mataas pa rin ang rating.

Walang takot na nakipagsabayan ang JoChard loveteam sa KathNiel at LizQuen. Akalain mo, ang Ser Chief at Maya ang bukambibig din sa apat na sulok na showbiz noon pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Anyway, abala ngayon si Richard sa promo (mall tour) ng album nila ni Richard Poon na “Chinito Crooners” handog ng Star Music.

Read more...