CEBU CITY—MATAPOS magpalipas ng dalawang gabi sa kulungan, makakauwi na ang suspek si David Lim Jr. sa pamamaril ng isang nurse dahil sa away-trapiko sa Cebu City.
Itinakda ng Cebu City Prosecutor’s Office ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lim sa P144,000 kaugnay ng dalawang kasong kriminal na kinakaharap kaugnay ng pamamaril na naging dahilan ng pagkakasugat ng nurse na si Ephraim Nuñal noong Linggo.
Nakakita ng probable cause si Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño para kasuhan si Lim, 28, na kilalang galing sa isa sa pinakamayamg pamilya sa Cebu.
Nahaharap si Lim sa kasong frustrated homicide at illegal possession of ammunition sa Regional Trial Court kung saan itinakda ang piyansa sa P120,000 at P24,000,
Nauna nang nagsampa ang pulis ng kasong frustrated murder laban kay Lim, bagamat ibinaba ito ni Casino sa kasong frustrated homicide.
“A judicial examination of the evidence at hand would show that there is no sufficient basis to prove the existence of any of the circumstances stated therein (murder case),” sabi ni Casiño na inaprubahan ni Cebu City Prosecutor Liceria Lofranco-Rabillas.