Vice Ganda pangarap gawin ang ‘Darna Kuno’ ni Mang Dolphy

vice ganda

KUNG  hindi nga lang daw talaga nakakahiya sa Star Cinema ay noon pa sana inunahan ni Vice Ganda ang may film rights ng “Darna”, bilang isa rin siya sa mga nangarap maging Darna.

Back in the late 70’s kasi, nag-klik ang King of Comedy na si Dolphy nang gawin niya ang pelikulang “Darna Kuno”.

Sa era nga naman ni Vice ngayon, hindi rin masamang ilusyunin niya ito lalo pa’t kilala rin siyang fashionista at phenomenal box-office star.

Kating-kati na raw si Vice na gawin ang “Darna Kuno” kaya nga raw plano na nilang gawin ng kaibigan niyang si Karla Estrada ang spoof nito, ang “Barna” (mula sa pamosong Barney character).

Ganyan nga kainit na pinag-uusapan ngayon ang isyu sa muling paglipad ni Darna kaya’t sa libreng publicity nito, napakasuwerte ng babaeng susunod na magsusuot ng costume ni DARNAAAA!

Read more...