Pagawaan ng ataul nasunog

Fire-620x407

Isang sunog ang tumupok sa isang pagawaan ng atoll sa Quezon City kaninang tanghali.
Alas-12:30 ng tanghali ng magsimula ang sunog sa Everest Casket Manufacturing na matatagpuan sa 387 Cmpd., Sangandaan, Brgy. Talipapa.
Agad na kumalat ang apoy sa pagawaan na pagmamay-ari ni Jan Ann dela Cruz.
Naapula ang apoy ala-1:20 ng hapon. Umabot ito sa third alarm. Tinatayang p100,000 halaga ng ari-arian ang nasunog.
Nagsimula ang apoy sa painting section ng pagawaan subalit hindi pa batid kung ano ang sanhi nito.
Walang napaulat na nasaktan sa insidente.

Read more...